Isang panayam ukol sa kasaysayan ng Panitikang
Filipino ang gaganapin sa Setyembre 22, 2007, Sabado,
9:00 ng umaga. Ito ay gaganapin sa Room 303B ng
College of Arts and Science (CAS) Building sa
University of Asia and the Pacific, Ortigas Center,
Pasig City.
Ang panauhing tagapagsalita ay si G. Romulo
Baquiran, Jr., isang propesor ng malikhaing pagsulat
at panitikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman, Quezon City. Isa siyang premyadong makata at
kuwentista. Sa kasalukuyan, si Prop. Baquiran ang
deputy officer ng UP Institute of Creative Writing.
Ang panayam ay libre at bukas sa publiko. Para sa
mga detalye, makipag-ugnayan lamang kay Bebang Siy sa
09193175708. Hatid ito ng Haranya, organisasyon ng mga
kabataang manunulat mula sa UA&P at LIRA (Linangan sa
Imahen, Retorika at Anyo), isang organisasyon ng mga
makatang nagsusulat sa wikang Filipino.
Para sa mga nais dumalo: magdala ng I.D. at sumunod sa
UA&P dress code (bawal ang walang manggas na polo o
blusa, short pants at tsinelas. Ang palda ay dapat na
lampas-tuhod).
SETYEMBRE 23, 2007
Mga panayam ukol sa kasaysayan ng Panulaan mula sa
Tsina at Estilo at Pinapaksa ng mga Kabataang Makata
sa Tsina ang gaganapin sa Setyembre 23, 2007, Linggo,
2:00 ng hapon. Ito ay gaganapin sa KAISA
Lobby,KAISA-Angelo King Heritage Center, Anda cor.
Cabildo St., Intramuros, Maynila.
Ang mga panauhing tagapagsalita ay sina Dr. Mario
Miclat, isang propesor mula sa Asian Studies Center ng
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City at Bb.
Chen Siyuan, isang kabataang makata mula sa bansang
Tsina.
Ang panayam ay libre at bukas sa publiko. Para sa
mga detalye, makipag-ugnayan lamang kay Bebang Siy sa
0919-3175708. Hatid ito ng KAISA, Maningning Miclat
Foundation at LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at
Anyo), isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat
sa wikang Filipino.
Nang Pa-Facebook, Facebook Lamang?
Click Here Now!
No comments:
Post a Comment