Heto na po ang buod ng Florante at Laura.
If you are looking for the summary of Florante and Laura, here is the Tagalog version. Please note that it may seem quite long, and you may end up searching for an even shorter summary. But if you take the time to go through this long-ish version, you can easily adjust it and simply highlight the main points.
Anyway, let’s move on to the summary or buod of Florante at Laura.
You’ll find the PowerPoint presentation below. If you don’t see it after you’ve clicked on the LIKE button, that means your web browser is not capable of displaying Flash.
Buod at Mga Aralin ng Florante at Laura (Tagalog / Filipino):
Aralin 1 Francisco Balagtas Baltazar (1788-1862)
“Ang Kahirapan ay hindi kailanman magiging hadlang sa pagtuklas ng karunungan.”
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay (na ngayo’y kilala sa tawag na Balagtas), Bulacan noong Abril 2, 1788. Kilala rin siya sa tawag na Kiko. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz. May tatlo siyang kapatid na sina Felipe, Concha at Nicolasa. Buhat siya sa maralitang angkan na ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay karaniwang maybahay.
Bata pa lamang si Kiko ay kinakitaan na siya ng kakaibang katangian sa mga karaniwang bata. Pagkatapos niya ng mga gawaing-bahay ay hindi siya naglalaro. Pumupunta agad siya sa pandayan ng kanyang ama at doon nakikinig ng mga usap-usapan ng mga matatanda sa nayon tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw. Sa ganitong paraan siya namulat sa maling pamamalakad ng mga kastila at ang mga paghihirap na nadarama ng mga Pilipino sa kamay ng mga Dayuhan. Maingat nat mahinang tinig lamang ang maririnig noong panahong iyon sapagkat walang kalayaang magsalita ang mga Pilipino. Sa mga narinig ni Kiko, masusi niya itong sinusuri at pinag-aaralan.
Tulad ng kanyang mga kapatid, nag-aaral si Kiko sa kumbento na ang kanilang guro ay ang kura paroko. Natutuhan niya sa pag-aaral ang katon, kartilya, misteryo at iba pa. Hindi siya naging kuntento sa kanyang pag-aaral sa kumbento at hinangad niya na maragdagan pa ang kanyang kaalaman, kaya isang araw ay kinausap niya ang kanyang mga magulang na ibig niyang makapagpatuloy ng pag-aaral sa Maynila. Hindi agad nakasagot ang mga magulang niya sa dahilang hindi nila alam kung paano matutustusan ang pag-aaral ng anak. Ang kinikita lamang ng kanyang ama ay sapat lamang para sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. Nasa ganoong katahimikan ang mag-asawa nang narinig nila sa mga labi ni Kiko na papasok siyang isang katulong at mag-aaral. Naalaala ni Mang Juan ang isang malayong kamag-anak na nakatira sa Tondo na nakaa-angat sa buhay.
Sa gulang na labing-isang taon, si Kiko ay lumuwas ng Maynila at tumira sa bahay ni Donya Trinidad sa Tondo bilang katulong na ang katumbas ay ang pag-aaral niya. Ang unang paaralan na kanyang pinagpatalaan ay ang Colegio de San Jose. Sa paaralang ito natapos niya ang Gramatika Latina, Gramatika Castellana, Heograpiya, Pisika at Doctrina Kristiyana. Noong 1812, sa gulang na 24 ay natapos niya ang Canones, isang aralin tungkol sa mga batas ng simbahan. Ngunit hindi pa sapat ang karunungang natutuhan niya sa Colegio de san Jose kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang sa San Juan de Letran. Naging Guro niya ang Bantog na si Pedre Mariano Pilapil at sa nasabing paaralan ay natapos niya ang Pilosopiya, Teoyolohiya at Humanidades.
Sa Tondo na nagbinata si Kiko at dito rin sa pook na ito naging makulay ang kanyang buhay dahil sa mga pagdiriwang ay madalas maanyayahan si Kiko para bumigkas ng tula. Siya’y napabantog bilang isang makata.
Hindi nawawala ang mga babaing humahanga kay Kiko sa kagalingan niya, at ang kanyang puso ay umibig kay Magdelena Ana Ramos. Noong panahong iyon ay bukambibig na ang pangalan ni Jose dela Cruz, na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw, sapagkat ang hinihingi niyang bayad sa pag-aayos ng tula ay sisiw. Kung pupunta ka na walang dalang sisiw ay hindi ka man lang papansinin o titingnan ang tulang dala mo. Kaarawan ni Magdalena kaya ang tanging handog ni Kiko sa dilag ay ang tula. Dala-dala ni Kiko ang tula upang ipaayos kay Huseng Sisiw ngunit wala itong dalang sisiw bilang pambayad kaya hindi ito inayos ni Huseng sisiw. Dahil sa kabiguan, masamang-masama ang loob niya at ipinangako sa sarili na kailanman ay hindi na siya hihingi ng tulong sa makata. Nakapagdulot ito ng kabutihan sa kanya dahil nalampasan niya ang kagalingan ni Huseng Sisiw sa pag-aayos at paggawa ng tula na naging sanhi para makalimutan ang pangalan ng hari ng makata ng Tondo, sa Huseng Sisiw.
Noong taong 1835 ay lumipat siya ng tirahan sa Pandacan at sa pook na ito nakilala niya ang pinakamagandang dilag, si Maria Asuncion Rivera na tinatawag na Selya. Bukod sa maganda ay magaling itong umawit at tumugtog ng alpa. Tunay siyang alagad ng musika, kaya tinawag siyang Selya ni Kiko na hango sa pangalan ng Banal na Patron ng musika na si Sta. Cecilia. Ngunit humantong sa kasawian ang tapat at dakilang pag-ibig ni Kiko kay Selya. Si Nanong Kapule, anak ng isang mayaman at may kapangyarihan ang naging karibal niya. Dahil nagtagumpay ang tula laban sa taginting ng salapi ni Nanong Kapule, pinakilos niya ang salapi para maangkin si Selya sa pamamagitan ng mga gawa-gawang paratang at sumbong na naging dahilan para ipabilanggo siya ng mga magulang ng Dalaga.
Si Kiko ay nakulong sa piitan ng Pandacan na nagdurugo ang Puso dahil sa pagkakaagaw sa kanya kay Selya. Sa pagdurusa niyang ito ay naisulat niya ang kanyang “Obra Maestra” na “Florante at Laura”.
Nang si Kiko ay lumaya, Lumipat ito sa Udyong, Bataan para lubusang makalimutan si Selya. Sa lugar na ito nakilala niya si Juana Tiambeng, isang anak-mayaman. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ng dalaga dahil sa malaking agwat ng kanilang edad, si Juana ay 31 taong gulang at si Kiko naman ay 54 taong gulang, noong Hulyo 12, 1842 ikinasal ang dalawa. Nagkaroon sila ng labing-isang anak ngunit apat lamang ang nabuhay.
Sa bataan, humawak ng matataas na katungkulan si Kiko tulad ng Tenyente Mayor at Huwes de Sementera. Sa kanyang panunungkulan at pagsusulat ay ginamit niya ang apelyidong Baltazar.
Naging maganda at mapayapa na sana ang pagsasama ng dalawa nang isang matinding dagok na namn ang dumating sa kanyang buhay. Muli siyang nabilanggo dahil sa pinutol niya ang buhok ng isang katulong na babae at anak ng isang nagngangalang Alperes Lucas. Nagkaroon ng matagalang paglilitis kaya naubos ang kayamanan ng kanyang asawa. Nakalaya rin siya sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Nang siya’y makalabas ng bilangguan ay binuhay niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsulat ng tula, dula, awit at korido. At noong ika-20 ng Pebrero, 1862 sa gulang na 74, si Francisco Balagtas ay binawian ng buhay.
Aralin 2 Paghahandog kay Selya
Sa pag-iisa ni Balagtas ay bumalik sa kanyang isipan ang masasaya at malulungkot na karanasan niya kapiling si Selya. Si Selya na naging dahilan ng pagdurusa niya sa piitan, na kung maagap lamang siya, maaaring sa sandaling ito kapiling niya ang kanyang sinisinta at hindi na ito naagaw ni Nanong Kapule.
Sa kanyang paggunita sa nakaraang araw ay napaiyak na lamang ang binata at dahil sa malabis na kalungkutan, nilikha niya ang tula at ito’y buong pagmamahal niyang iniaalay sa dalaga. Pakiusap niya sa dilag na sana’y basahin niya ito at kahit na laitin nito ang tula, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Kiko dahil pinag-ukulan ito ng panahon ni Selya.
Aralin 3 Sa mga Babasa nito
Unang-una, nagpapasalamat ang makata sa mga taong binigyan ng halagang basahin ang kanyang tula na kahit na sa unang tingin ay di-kakikitaan ng kagandahan ngunit kung susuriin at uunawaing mabuti ay masisiyahan din sa nilalaman nito.
Ipinauubaya niya sa mga mambabasa ang paghatol sa tulang ito ngunit may tanging kahilingan ang makata na sana’y huwag baguhin o palitan ang berso nito.
Aralin 4 Pagpapakilala sa mga Tauhan
Florante – Tagapagligtas ng Albanya sa kamay ng mga kaaway. Tinatawag na “tanggulan ng siyudad”.
Laura – Anak ni Haring Linceo. Ang kagandahan ay itinulad kay Venus, babaing minahal ni Florante.
Aladin – Isang Moro na nagligtas kay Florante sa mga leon. Mangingibig ni Flerida.
Adolfo – Kababayan ni Florante, naging taksil sa Albanya kaagaw ni Florante kay Laura.
Haring Linceo – Pinuno ng Albanya, ama ni Laura.
Duke Briceo – Uliran sa kabaitan, tagapayo ni Haring Linceo, butihing ama ni Florante.
Konde Sileno – Ama ni Adolfo
Prinsesa Floresca – Anak ng Haring Krotona, ulirang ina ni Florante.
Menalipo – Nagligtas kay Florante habang sanggol pa ito sa Kuko ng Buwitre.
Sultan Ali Adab – Ama ni Aladin at umiibig din kay Flerida.
Antenor – Naging guro ni Florante sa Atenas.
Menandro – Naging kaibigan ni Florante sa Atenas, pamangkin ni Antenor.
Miramolin – Pinuno ng mga Turko na lumusob sa Albanya.
Osmalic – Pinuno ng mga Moro na lumulusob sa Kaharian ng Krotona. Pangalawa sa katapangan ng mga Moro.
Aralin 5 Gubat na mapanglaw
Sinimulan ang awit sa isang madilim at masukal na gubat na kahit na ang sinag ng araw ay hindi makapasok dito dahil sa nagtataasang puno ng Cipres at Higera. Ang mga punongkahoy ay nagdudulot ngkalungkutan sa kapaligiran, mababangis na hayop tulad ng hyena, tigre, basilisko ang naglipana rito.
Ayon sa paniniwala, ang gubat na ito ay malapit sa impyerno na kaharian ni Pluto kaya kinatatakutan ito ng taong-bayan. Ngunit sa gitna ng kagubatan sa isang puno ng higera may isang makisig na binatang nakagapos.
Aralin 6 Pamamayani ng karahasan
Humihingi si Florante ng katarungan sa ating Panginoon dahil sa nangyayaring kasamaan sa Albanya. Wala kang makikitang mabubuting tao dahil sinuman ang nagpakita ng kabutihan ay kamatayan ang patusa. Naglipana ang kalupitan, karahasan, pagsasamantala sa kapwa at kataksilan. Walang magawa ang taong bayan sa nangyari at naiiyak na lamang sila. Kagagawan lahat ito ni Konde Adolfo dahil sa paghahangad niya sa kapangyarihan ni Haring Linceo.
Aralin 7 Diyos ang Tanging Nakaaalam
Hinihiling ni Florante sa ating Panginoon na ibagsak nito ang parusa sa Albanya dahil sa pamamayani ng kasamaan ngunit parang ayaw pagbigyan ng ating Panginoon ang kanyang kahilingan kaya naitanong niya, “saan siya hihingi ng tulong ngayon? Datapwat muling nanumbalik sa kanyang isipan na lahat ng nangyayari sa balat ng lupa ay kagustuhan ng Diyos at Siya lamang ang tanging nakakaalam.
Aralin 8 Alaala ng Nakaraan
Para kay Florante, lahat ng paghihirap ay kanyang titiisin kung alam niya na paminsan-minsan ay naalaala siya ni Laura. Kung naiisip niyang sa kanyang kamatayan ay iniiyakan siya ni Laura, para na rin siyang nabuhay na walang hanggan. Ngunit kung sumasagi sa kanyang isipan na si Laura ay nasa piling na ni Konde Adolfo, ang tanging hanap niya ay kamatayan upang maibsan ang kanyang pagdurusa.
Aralin 9 Selos
Dahil sa matinding selos, hindi na nakayanan ng puso ang bigat ng alalahanin kaya nawalan ng malay si Florante. Kung sinuman ang makakita sa kanyang kahabag-habag na kaanyuan maaawa at mapaiiyak na lamang. Nang manumbalik ang kanyang malay halos maririnig sa buong gubat ang kanyang mga hinaing.
Aralin 10 Nasaan ang gayong Aruga?
Hindi makapaniwala si Florante na si Laura ay magtataksil sa kanya dahil ang kagandahan ni Laura ay itinutulad niya sa langit na matibay at dalisay. Ni hindi pumapasok sa kanyang isipan na ang kagandahan ay malapit sa tukso.
Naroong isipin ang mga pag-aaruga sa kanya ni Laura kapag ito’y makikipagdigma, na habang iniaabot sa kanya ang mga gamit kasabay ng pagluha nito. Nariyan na amg kanyang turbante ay may letrang L at pinapalamutian ng mamahaling bato. Sa pagdating naman nito kababakasan pa rin ng takot si Laura at kung magkakaroon man ito ng mumunting sugat sa balat, huhugasan agad ni Laura ng luha.
Kung nalulungkot man ang binata, ang tanging lunas ng dalaga ay hagkan ito, dalhin sa hardin at sabitan ng bulaklak sa leeg at ang pag-iyak ng dalaga. Ngayon, nasaan si Laura?
Aralin 11 Halina aking Laura
Nawalan ng malay-tao so Florante dahil sa matinding panibughong nararamdaman niya sa oras na iyon. Naroong isipin niya na si Laura ay nasa ibang piling na at tuluyan na siyang nakalimutan pati na ang kanilang pag-ibig. Hinahanap-hanap din niya ang matatamis na sandali na kapiling niya si Laura, ang pag-aaruga at pag-aalala nito. Para kay Florante, lahat ng paghihirap na ibigay sa kanya ni Adolfo ay kanyang tatanggapin at titiisin huwag lamang agawin si Laura.
Aralin 12 Ang Pagdating ng Morong Mandirigma
Dumating sa gubat ang isang mandirigma na ang pananamit ay isang Moro, Taga-Persiya. Naghihimutok isto at nasabi na hindi niya papayagan na si Flerida ay maagaw sa kanya. Kung hindi lang daw ang sariling ama ang umagaw nito sa kanya, makikita raw ng iba ang lupit ng kanyang patalim na handang pumatay.
Nasabi ni Aladin ang labis na kapangyarihan ng pag-ibig, na kaya nitong saklawin ang lahat masunod lamang ang damdamin.
Aralin 13 Duke Briceo – Amang Mapagmahal
Namangha ang gerero nang makarinig ng mga panaghoy sa kagubatan. Hinanap niya ang pinanggalingan ng mga daing at ito ang kanyang narinig. Ginugunita ng taong naghihimutok ang kahabag-habag na sinapit na kamatayan ng kanyang ama sa kamay ni Konde Adolfo. Pinugutan ito ng ulo, pinaghiwa-hiwalay ang kanyang katawan at hindi man lamang ito inilibing dahil sa takot ng kanyang mga kainigan sa Konde. Hanggang sa huling sandali ng buhay ng kanyang ama ang tanging panalangin pa rin nito sa Panginoon ay ang kaligtasan niya sa kamay ng taksil na si Adolfo.
Aralin 14 Panambitan ni Aladin
Nakadama ng matinding habag sa sarili ang gerero dahil narinig niya sa binata na ang iniiyakan nito ay ang maagang kamatayan ng kanyang ama. Ngunit siya ay umiiyak dahil sa pag-agaw ng kanyang ama sa kanyang kasintahan na itinuturing niyang isang palayaw na ibinigay sa kanya nito. Kahit kailan ay hindi siya nakadama ng pagmamahal sa kanyang magulang dahil sa maagang pagpanaw ng ina.
Aralin 15 Pamamaalam
Muling narinig ni Aladin ang mga panangis ni Florante, na kahit na nagtaksil ang babaing kanyang sinisinta ay nariyan pa rin ang kanyang pag-ibig at ito’y dadalhin niya hanggang sa kanyang libingan. Hindi pa ito natatapos sa kanyang panambitan nang may dumating na dalawang leon para silain siya. Ngunit isang kababalaghan ang nangyari at ang dalawang leon ay naupo sa kanyang harapan. Sa pag-aakala ng binatang nakagapos na siya’y mamamatay sa lupit ng alibugha, dahil pinabayaan itong mamatay dahil sumama sa ibang lalaki, at kay Adolfo sahil sa mga kalupitan nito sa kanya. Ngunit ang lalong nagpapahirap sa kanya, ay ang isipin niya namamatay siya na hindi na mahal ni Laura.
Aralin 16 Ang Pagpatay sa Dalawang Leon
Hindi na natiis ni Aladin ang mga narinig na daing na narinig kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan nito.Nang matunton niya ito, nakita ng gerero na handang silain ng leon ang binata. Ang kabayanihan ng gerero ay itinulad kay Apolo sa ginawa niyang pagpatay sa serpyente.
Aralin 17 Sa Kamay ng Kaaway
Nang manumbalik ang malay ni Florante ay una niyang tinawag ang pangalan ni Laura.Hindi sumagot si Aladin sa takot na baka mabigla ito at tuluyang mamatay dahil nakita niya na mahinang-mahina na ang binata.Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang kanyang sarili sa kandungan ng isang Moro, na siyang nagligtas sa kanya.Sinabi ng Moro na kahit sila’y magkaiba ng relihiyon, ang nanaig sa kanyang isipan ay ang batas ng Diyos. Kayat nang mga sandaling iyon sila ay magkaibigan.Napasigaw ang Moro sa matinding kalungkutan nang sabihin ni Florante na hindi awa ang kailangan niya kundi kamatayan.
Aralin 18 Ang Pag-aalaga ni Aladin kay Florante
Dahil sa malapit nang dumilim, dinala ni Aladin si Florante sa isang malapad at makinis na bato. Pinakain niya ito hanggang sa makatulog.Binanatayan ng gerero ang binata sa takot sa mga naglipanang mga hayop.
Kinaumagahan, nakita ng gerero ang muling panunumbalik ng dating lakas ni Florante at ito’y napaiyak sa kaligayahan. Itinanong ng gerero ang naging sanhi ng paghihirap ng binata.
Aralin 19 Florante
Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay sa Moro. Siya raw ay tanging anak ni Duke Briceo ng Alabanya at Reyna Floresca ng Krotona. Ang kanyang ama ay ang tagapayo ng Hari ng Albanya at nangunguna sa katapangan ng kaharian.
May mahalagang nangyari sa kanyang buhay habang siya’y sanggol pa lamang. Isang ara, habang sila’y nasa bahay-bakasyunan biglang may pumasok sa silid na isang buwitre at ibig siyang dagitin. Nagtitili ang kanyang ina at biglang pumasok ang kanyang pinsan na si Menalipo at pinanna ang buwitre. Ang pangalawa ay ang pagdagit ng ibong Alkon ng diyamanteng kupido sa kanyang dibdib.Nang siya’y tumuntong sa gulang na siyam na taon, dito niya natutuhang hangaan ang kagandahan ng kalikasan. Tuwing umaga, kasama ang mga alagad, pumupunta siya sa burol para palipasin ang maghapon.
Aralin 20 Para ng Halaman
Lumaki ng may danggal si Florante dahil natutuhan niya sa kanyang ama na ang isang anak ay hindi maaaring palakhin sa layaw. Ang mundo ay punong-puno ng paghihirap at problema na kailangang harapin at maging matatag. Ang batang nasanay sa kasiyahan ay nagiging maramdamin at di-sanay magtiis. Nabatid parin ni Florante na kaya nagiging masama ang anak ay dahil sa kapabayaan ng magulang o kulang ito sa pagmamahal.
Pinag-aral ng ama si Florante sa Atenas kahit na umiiyak ang kanyang ina dahil sa pagtuttol na mahiwalay si Florante sa piling niya.
Aralin 21 Pagkukunwari ni Adolfo
Ang edad ni Florante ay labing-isa nang ito’y mag-aral sa Atenas at ang naging guro ay si Antenor. Naging kamag-aral ni Florante si Adolfo, ang kanyang kababayan na anak ni Konde Sileno. Sa pagdating niya rito, si Adolfo ang nangunguna sa klase at naging huwaran sa kabaitan. Subalit hindi naging malapit sa isa’t-isa ang dalawa. Pagkaraan ng anim na taon na pag-aaral, natuto siya ng astrolohiya, pilosopiya at matematika.
Aralin 22 Nahubdan ang Pagkukunwari
Nanguna sa katalinuhan si Florante at ito’y nalamn ng buong Atenas dahil sa isang pamamng tagabalita. Dito na rin nakita ng lahat ang tunay na ugali at katangian ni Adolfo, sa pamamagitan ng isang trahedyang itinanghal ng mga mag-aaral binalak ni Adolfong patayin si Florante. Ngunit mabilis na sumaklolo si Menandro. Kinabukasan, hindi na nila nasilayan si Adolfo at ito ay bumalik sa Albanya.
Aralin 23 Ang Unang Lihim
Matagal bago nawala ang pagdadalamhati ni Florante dahil sakamatayan ng kanyang ina. Kahit anong pang-aaliw ang gawin sa kanya ng kanyang guro at mga kamag-aral ay hindi pa rin nawawala ang kanyang kalungkutan. Damdam niya ay nag-iisa siya sa gitna ng pagdurusa at kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang ina.
Aralin 24 Mga tagubilin ni Antenor
Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at pinauuwi na siya sa Albanya. Bago bumalik sa Albanya, nagbilin ang kanyang guro na mag-ingat sa paghihiganting maaaring gawin ni Adolfo sa kanyang pagbabalik, ngunit huwag niyang ipakita kay Adolfo na handa siya sa anumang iniisip nito.
Aralin 25 Bihirang Balita’y Magtapat
Dumating si Florante sa Albanya na kasama si Menandro. Malungkot ang naging pagkikita ng mag-ama dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Magkayakap silang mag-ama nang dumating ang embahador ng Krotona na dala ang liham ng Hari, na humihingi ng tulong dahil ang Krotona ay sinalakay ng mga kaaway sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Pangalawa ito sa katapangnan ng mga Mora, na ang nangunguna ay si Aladin, na bantog na kilabot at siyang hinahangaan ni Florante.
Napangiti si Aladin at sinabing bihirang magkatotoo ang balita at kung totoo man ay maraming dagdag.
Aralin 26 Heneral ng Hukbo
Pumunta ang mag-ama sa kaharian. Nagulat si Haring Linceo nang makita si Florante na nakita niya sa kanyang panaginip na maglalathala ng kanyang kaharian sa sandaigdigan. Ginawa agad itong Heneral ng Hukbo na pupunta sa Krotona upang labanan ang mga Moro. Sinabi ng Hari na si Florante ay may dugong maharlika kaya dapat kumilala sa sariloing dangal ng kanilang angkan. Pumayag si Duke Briceo pati na si Florante sa iniatas ng Hari.
Aralin 27 Pag-ibig sa Unang Pagkikita
Nang isasalaysay na ni Florante ang buhay niya sa Atenas ay siya namang pagdating ni Laura at nakiupo sa kanila. Habang tinititigan niya ang dalaga, tunulad niya ito sa isang binata at halos nagkakamali siya sa pagsagot. Sa isang salita ay nawala ang kanyang pagiging maharlika sa harap ng dilag, ssa takot na baka magiging alanganin siya rito.
Aralin 28 Luha, Sagot sa Pag-ibig
Paniging nang tatlong araw si Florante ni Haring Linceo. Sa loob ng mga araw na iyon ay hindi man lamang nakita o nakausap ni Florante si Laura. Ipanagtapat niya ang kanyang damdamin kay Laura, nabigla ito. Hindi sumagot ng “oo” ang dalaga, bagkus ay may dumaloy na mga luha sa mga mata ni Laura na nagsilbing pabaon niya sa pag-alis ni Forante papuntang Krotona.
Aralin 29 Krotona’y Nagdiwang
Pagdating sa Krotona, nakita nina Florante na ito ay halos sumakamay na ng mga Moro dahil ang ginamit nilang pandigma ay makabagong makinarya. Sinalakay nila ang kaharian at hinamon ni Florante si Heneral Osmalik na silang dalawa ang maglaban. Natalo ni Florante si Henral Osmalik at sa tulong ni Menandro ay nabawi nila sa mga moro ang kaharian.
Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante at naging lubos ang kanilang kaligayahan nang malaman nila na di-naiiba si Florante sa Hari dahil ito’y apo niya. Ngunit sandali lamang ang naging kaligayahan dahil nanariwa sa maglolo ang kamatayan ni Prinsesa Floresca. Dito naniniwala si Florante na walang lubos ang kaligayahan dito sa mundo.
Aralin 30 Tagapagtanggol ng Siyudad
Nang papalapit na ang pangkat ni Florante sa Albanya, natanaw nila na ang bandila ng mga Moro ang nakawagayway. Tumigil sila sa paanan ng bundok at nakita nila ang pangkat ng mga Moro na may kasamang babae at natatakpan ang mukha nito. Kinutuban si Florante na baka ito si Laura. Dali-dali nilang nilusob ang mga kalaban at nang makita sina Florante ay nagsitakbuhan ang mga Moro. Inalis niya ang yakip sa mukha ng dilag at hindi nga nag-kamali ng kutob si Florante, ito na nga si Laura. Narinig niya sa mga labi ni Laura ang “Sintang Florante.”
Pinakawalan ni Florante ang nakabilanggong Hari, gayun din si Duke Briceo at kabilang na si Adolfo.
Aralin 31 Ang kasamaan ni Adolfo
Lalong tumindi ang galit at inggit ni Adolfo kay Florante. Naging sunud-sunod ang ginawang pagsalakay ng mga kaaway sa Albanya ngunit napagtagumpayan ito ni Florante hanggang sa labimpitong hari ang kumilala at humanga sa kanyang katapatan.
Habang siya’y nasa Etolya, tumaggap si Florante ng sulat mula kay Haring Linceo. Pinauuwi siya sa Albanya at iwan kay Menandro and hukbo. Dumating siyang gabing kadiliman at nabigla ito dahil tatlumpung sundalo ang sumalubong sa kanya at iginapos siya sa utos ni Adolfo.
Aralin 32 Pinag-isa ng Masamang Palad
Pagkatapos maisalaysay ni Florante ang kanyang buhay, ipinakilala ni Aladin ang kanyang sarili. Siya raw ay mula sa kaharian ng persya na anak ni Sulran Ali-adab. Ipinakiusap ni Aladiin kay Florante na mamuhay na silang magkasama sa gubat yamang kapwa sila sawi. Limang buwan silang namalagi sa gubat. Isang araw, habang sila’y nag-iikot sa gubat, ipinagpatuloy ni Aladin ang pagsasalaysay ng kanyang buhay. Isinalaysay niya ang paghihirap niya kay Flerida, dahil sa ang kanyang ama ang kaagaw niya sa pag-ibig nito. Siya ang naging mapalad sa dalaga kaya gumawa si Sultan Ali-adab ng mga pakana para maagaw niya si Flerida. Nang magtagumpay si Aladin sa Albanya, bumalik ito sa Persiya. Pagdating sa kanilang bayan ay ipinakulong siya ng kanyang ama dahil iniwan nito ang hikbo kahit hindi pa iniuutos nito. Nang pupugutan na siya ng ulo ay pinalaya siya ng isang heneral sa kondisyong aalis siya sa Persiya nang gabing iyon.
May anim na taon siyang naghihirap at nagpalibut-libot sa kagubatan.
Aralin 33 Dakilang Pag-ibig
Napakinggan nina Florante at Aladin ang ganitong pagsasalaysay ng babae. Nang malaman niyang pupugutan na ng ulo ang kanyang minamahal, ay nagmakaawa ito sa Sultan na patawarin ang kanyang minamahal kapalit ng pagpapakasal ng babae sa Sultan. Dahil sa labis na pagmamahal ng babae, sumang-ayon ito sa kagustuhan ng Sultan. Agad na pinakawalan ang kanyang minamahal hanggang sa makarating sa gubat at mailigtas si Laura sa isang taong balakyot.
Biglang lumitaw sina Florante at Aladin at gayon na lamang ang katuwan ng apat sa muling nagkikita-kita nila. Nagmistulang isang paraiso ang dating malungkot na gubat.
Aralin 34 Panlilinlang ng isang Balakyot
Pagkaalis ni Florante sa Albanya, may kakaibang nangyari sa kaharian dahil biglang may kumalat na bulung-bulungan sa buong bayan na balak ng hari na gutumin ang mga tao. Ito’y nakarating sa palasyo ngunit hindi malaman ng kaharian ang sanhi ng kaguluhan.
Hindi nagtagal, nagalit at naghimagsik ang taong bayan sa hari. Ang namuno sa karahasang ito ay si Adolfo. Ipinapatay ni Adolfo si Laura na kung hindi magpapakasal ang dalaga sa kanya ay papatayin ito. Binigyan niya ng limang buwang taning si Laura. Sinulatan ni Laura si Florante na nasa Etolya ngunit pagkaraan ng isang buwan dumating ito dahil ang natanggap na sulat ay ang pinadala ni Adolfo. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na dala ang hukbo at sinalakay ang kaharian.
Aralin 35 Masayang Wakas
“Nang walang magawa ang Konde Adolfo
ay kusang tumawag ng kapuwa lilo
dumating ang gabi, umalis sa reyno
at ako;y dinalang gapos sa kabayo.
“Kapag dating dito, ako;y dinadahas
at ibig ilugso ang puri kong ingat,
mana’y isang tunod na kung saan gubat
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab.”
Sagot ni Flerida: “Nang dito’y sumapit
na may napakinggang binibining boses,
Na pakiramdam ko’y binigyang sakit,
Nahambal ang aking mahabaging dibdib.
“Nang paghanapin ko’y ikaw ang natalos
pinipilit niyang taong balakyot,
hindi ko nabata’t binitit sa busog
ang isang palasong sa lilo’y tumapos’
Di pa napapatid yaong pag-uusap,
Si Menandro’y siyang pagdatiing sa gubat
Dala’y ehersito’t si Adolfo’y hanap,
Nakita’y katoto, laking tuwa’t galak!
Yaong ehersitong mula sa Etolya
Ang unang nawika sa gayong ligaya,
“biba si Floranteng hari sa Albanya
mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!”
Dinala sa reynong ipinagdiriwang
Sampu ni Aladi’t Fleridang hirang
Kapuwa tumaggap na mangabinyagan
Magkakasing sinta’y naraos nakasal.
Namatay ang bunying Sultang Ali-adab.
Umuwi si Aladin sa Per’syang s’yudad,
Ang Duke Florante sa trono’y naakyat,
Sa siping ni Laurang minumutyang liyag.
Sa pamamahala nitong bagong hari
Sa kapayapaan ang reyno’t nauli
Dito nakabangon ang nalulugami
At napasa-tuwa ang napipighati.
Kaya nga’t nagtaas ng kamay sa langit
Sa pasasalamat ng bayang tangkilik,
Ang hari’t ang reyns’t walang iniisip
Kundi ang magsabong ng awa sa kabig.
Nagsasama silang lubhang mahinusay
Hanggang sa nasapit ang payapang bayan. . .
Tigil, aking Musa’t kusa kang lumagay
Sa yapak ni Selya’t dalhin yaring Ay! Ay!

I hope the above buod (PowerPoint Presentation) helped you save time, because reading Tagalog or Filipino can be quite daunting, even for Filipinos born in the Philippines. To top it off, Florante at Laura uses some type of ancient-sounding language. Well, let’s just say it is not in colloquial Tagalog.
Here, on the other hand, is the English summary of Florante at Laura.
Nang Pa-Facebook, Facebook Lamang?
Click Here Now!
No comments:
Post a Comment